Billy Crawford, nagpaalala sa netizens na tumulong sa nangangailangan

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2020 11:30 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Glowing at todo ngiti si Coleen Garcia sa special screening ng pelikulang "Mia" na naganap nitong Miyerkoles, Enero 15.

Limang beses na raw napanood ng asawa niyang si Billy Crawford ang pelikula at bilib na bilib siya sa performance ni Coleen.

"Of course, I mean, hello, I'm the husband. I will say the best, di ba? But I'm so proud of her. She did wonderful. She was definitely guided by God in this film and she's just a blessing to be on screen again and it's just nakaka-proud just watching her there, nakaka-fan mode," ani Billy.

Bilang mahilig sa pets sina Billy at Coleen, nagbigay reaksyon sila sa mga hayop na naiwan sa ilang bahagi ng Batangas na affected ng Taal Volcano eruption.

"As an animal lover, sobrang sakit talaga, masakit talaga but I'm glad that a lot of people were able to evacuate but it's sad na 'yung animals ang daming naiwan," ani Coleen.

At sa negative comments na nababasa sa social media sa panahon na kailangang magtulungan, may mensahe si Billy.

"Kaysa magreklamo tayo, tumulong na lang tayo. That's probably better kaysa mag-bash bash pa tayo ng tao. It's a crucial period in people's lives right now, kasi medyo delicate sila ngayon, delikado na tayo. Let's pray and let's act kaysa sa magsalita," ani Billy. 
 
Showing na ngayon ang pelikulang "Mia" sa mga sinehan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.