Itchyworms at Ely Buendia, sanib puwersa para sa isang concert

ABS-CBN News

Posted at Jan 16 2019 04:15 PM | Updated as of Jan 16 2019 04:30 PM

MAYNILA -- Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang nararamdaman ngayon ng grupong Itchyworms para sa kanilang pangarap na concert kasama ang dating bokalista ng Eraserheads na si Ely Buendia.

Kuwento nina Jazz Nicolas, Kevin Yu, Chino Singson at Jugs Jugueta, ang Eraserheads ay isa sa maituturing na inspirasyon nila noong nagsisimula pa lang ang Itchyworms.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Resorts World Manila (@resortsworldmanila) on

"Lahat kami nanunood ng gigs ng E-heads dati. Dati palang kabisado na namin ang mga kanta nila, and ngayon dream come true na maitutugtog namin ang mga song na 'yun with him, the man himself," ani Jugs sa press.

Kuwento pa ng "It's Showtime" host, ito ang maituturing nilang first major concert kasama ang kanilang idolo.

"Kasi parang may gigs kami sa launch ng music videos, so kasama namin siya for 6 songs lang ata 'yun, pero ito full-length concert with Ely," tugon ni Chino.

Kuwento pa nila, hindi naging mahirap para sa kanila na makasama sa isang proyekto si Ely.

"Actually si Jugs 'yung nag-instigate niyan. Siya ang may pakana ng collaboration. Tini-text niya si Ely na 'o baka may songs ka dyan na unfinished baka pwede natin tapusin.’ Ayun both of those songs started out like that ('Pariwara' at 'Lutang') na tinapos namin ni Jugs," ani Jazz.

Watch more in iWant or TFC.tv

Aminado ang grupo na magkahalong emosyon ang kanilang nararamdaman sa ngayon.

"Hanggang ngayon, hindi pa din kami makapaniwala na makakasama namin siya sa isang stage, doing a show with him so excited ako na may halong kaba na din," patuloy naman ni Kevin.

Siniguro ng Itchyworms na sulit ang magiging experience ng mga manunood sa kanilang collaboration.

"Sacred ang songs niya e, sacred 'yung areglo, so kami parang kailangan panindigan namin ng maganda, maitugtog namin ng maganda. Every piece will be very very special so sana makapunta talaga kayo," pahayag ni Jugs.

Gaya ng Itchyworms, excited din si Ely para sa kanilang pagsasama.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa darating na Pebrero 9, mapapanood ang "Ely Buendia & The Itchyworms: Greatest Hits" concert sa Newport Performing Arts Theater ng Resorst World Manila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.