Yam Concepcion bibida sa dalawang teleserye ngayong 2020

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2020 08:00 PM

MAYNILA -- Back-to-back teleseryes ngayong 2020 ang inaasahan na gagawin ni Yam Concepcion para sa ABS-CBN.

Kuwento ni Yam sa panayam, bukod sa kaniyang pagbabalik-telebisyon sa "Love Thy Woman" kasama sina Kim Chiu at Xian Lim, looking forward rin siya sa kaniyang panibagong project.

"Meron pa akong isang gagawin, under Star Creative. Nagpapasalamat ako kay RSB dahil siya 'yung nag-offer ng bagong projects sa akin,” tugon ni Yam sa press.

Malayo rin daw ang kaniyang role sa "Love Thy Woman" kung saan gaganap siya bilang kontrabida sa karakter nina Kim at Xian.

"Hindi naman siya jologs, iba siya!" masayang tugon ng aktres. "English-Englishan naman ako ngayon pero hanggang doon lang muna." 

Bukod sa mga nakalinyang teleserye, bida rin si Yam sa pelikulang "Nightshift" sa direksyon ni Yam Laranas. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.