Unang 2 episodes ng 'Make It With You' trending, bumandera sa ratings

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2020 08:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Ngayong linggo ay ipinalabas na ang bagong teleserye ng Kapamilya network na "Make It With You," marka ng pagbabalik telebisyon ng love team at real-life couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil. 

At sa unang 2 episodes pa lang nito, trending na agad ang serye sa social media. 

Patok din ito sa mga manonood dahil batay sa Kantar Media program ratings, bumandera sa ratings sa naturang timeslot ang serye noong Lunes (27.4 porsiyento) at Martes (28.9 porsiyento).

Aabangan ang mga susunod na episode ng Make It With You.

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.