Bahagi ng talent fee ni Myrtle Sarrosa, itutulong sa mga apektado ng Taal eruption

ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2020 06:11 PM | Updated as of Jan 15 2020 06:37 PM

MAYNILA -- Kabilang si Myrtle Sarrosa sa mga Kapamilya stars na tuloy ang pagtulong para sa mga pamilyang nasalanta ng Bulkang Taal.

Sa naging panayam kay Myrtle sa launch ng kaniyang bagong perfume endorsement, sinabi niyang bahagi ng kaniyang talent fee ay ibibigay niya sa mga nangangailangan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

"Actually, I will be donating part of my talent fee po dito for the victims of Taal and as well as sa mga taga-Capiz from last December dahil nabagyo sa kanila," tugon niya sa panayam ng press nitong Miyerkoles.

Aniya, maliit man na tulong ay importante pa rin ngayon sa mga kababayan na nangangailangan.

"I just want to be quiet and help in small ways that I can, kasi tayo tayo rin naman po ang tutulong para sa kapwa natin," aniya.

Pinag-aaralan rin ni Myrtle na maging volunteer para personal na makapag-abot ng tulong sa mga nangangailangan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.