PatrolPH

'May iba akong gagawin': Direk Jerrold Tarog papalitan ang costume ni Darna?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jan 15 2019 01:37 PM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Puspusan na ang ginagawang pre-production ng pelikulang Darna na pagbibidahan ni Liza Soberano.

Ayon sa bagong direktor na si Jerrold Tarog, wala silang samaan ng loob ng former Darna director na si Erik Matti at inaayos niya ang script ng pelikula.
 
"Kasi kailangan ko ulitin 'yung script na tinatrabaho nila Erik Matti. So, nandoon ako sa stage na 'yon na kailangan ko siyang i-rewrite. Nagte-take off ako doon sa draft nila. So mula roon kailangan ko mag-research ng kaunti. So medyo may reset ng kaunti," ani Jerrold.
 
Kahit na may malaking pagbabago sa script at magiging istorya ng Darna, nilinaw ng bagong direktor na wala nang magbabago pa sa mga magiging tauhan ng pelikula. 

"In this case kasi si Liza lang naman ang naka-lock talaga e. Okay naman ako doon wala namang problema," ani Jerrold.

Bukod sa script, inamin din ng direktor na may malaking pagbabago sa costume ni Darna.
 
"May mga gagawin pa kaming iba sa costumes, mas praktikal. Basta kasi mayroong design na ginawa 'yung previous team, medyo iba 'yung direksyon na gusto kong gawin. Kung ikukumpara doon sa nasimulan na medyo may iba lang akong gagawin," ani Jerrold.

Kung tatanungin naman kung kailan niya masisimulan ang shoot ng pelikula, ito ang kanyang naging pahayag: "Kapag natapos ko na, doon ko pa lang malalaman kung kailan namin masisimulan."

Sa ngayon, inihahanda na rin ng ABS-CBN Films ang bagong sound stage sa San Jose del Monte, Bulacan kung saan inaasahan bubuuin ang inaabanangan na muling paglipad ni Darna.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.