Korean stars, nagpaabot ng mensahe sa mga apektado ng pagsabog ng Taal

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2020 11:42 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Nagpaabot ng mensahe ang K-pop superstars na sina Choi Si-won ng Super Junior at L ng Infinite para sa mga Filipino na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa tweet ni Si-won, dasal niya na walang lubos na nasaktan sa pagsabog ng bulkan at mga lindol.

Ang Infinite member naman na si Kim Myung-soo na mas kilala bilang L ay naglabas ng larawan kasama ang kanyang Filipino fans at nagpasalamat sa mga dumalo sa kanyang fan meet sa kabila ng pangyayari.

Hangad din niya na ligtas ang lahat sa pagsabog ng bulkan.

-- Umagang Kay Ganda, Enero 14, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.