Karla at Melai, sinimulan na ang pagtulong sa mga naapektuhan ng Taal eruption

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2020 06:26 PM | Updated as of Jan 14 2020 09:58 PM


MAYNILA -- Isang fund-raising activity ang pinangunahan ng "Magandang Buhay" host na si Karla Estrada para sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa Instagram, ibinahagi ng Kapamilya host ang kaniyang simpleng paraan para makatulong sa mga nangangailangan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

"Ang bawat damit ko na bibilhin mo ay tulong mo sa mga nasalanta ng Taal Volcano umpisa na ngayong 5 p.m. hangang Sunday 8 p.m. Thank you and God bless your heart," caption niya sa post.

Sinimulan na rin ng kapwa "Magandang Buhay" host na si Melai Cantiveros ang pagsasalansan ng mga ipapamigay na relief goods.

Sa retrato, katuwang ni Melai ang kaniyang mister na si Jason Franciso at anak na si Mela sa pag-aayos ng mga relief goods.

 

Tulad ni Karla at Melai, ilang personalidad na rin ang gumawa ng kanilang sari-sariling paraan para magpaabot ng paunang tulong sa mga napinsala ng Bulkang Taal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.