Gabby Concepcion, may pahayag sa tampuhan nina Sharon at KC?

ABS-CBN News

Posted at Jan 14 2020 06:34 PM

MAYNILA -- Palaisipan ngayon ang mga social media post ng aktor na si Gabby Concepcion sa Instagram.

Matatandaan na sa naging pagdiriwang ni Sharon Cuneta ng kaniyang kaarawaan sa "ASAP Natin 'To," inihayag ng aktres ang tila tampo niya sa kanilang na anak si KC Concepcion.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa magkakasunod na post ni Gabby, tila nagbigay simpatya ito para sa anak matapos ang mga pahayag ng dating asawa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gabby Concepcion (@concepciongabby) on

"Don't be sad na. Everything will fall back into place. Your home is where your heart is," caption ni Gabby sa post.

Sa huling panayam kay Gabby, sinabi niyang tiwala siya at suportado ang mga personal desisyon sa buhay ng anak na si KC.

"Katulad nga ng sinasabi ko dati pa, ang importante lang happy siya."