Sharon Cuneta, na-ospital dahil sa eye irritation

ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2020 08:46 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Sinugod sa ospital nitong Linggo (Enero 12) si Sharon Cuneta dahil sa major eye irritation.

Sa kanyang post sa Instagram, kita ang larawan ni Sharon kung saan nakaupo siya sa wheelchair at may takip ang kanyang kanang mata.

Sa caption, ibinahagi ni Sharon mabuti na lang at walang scratch o foreign body na nakita sa kanyang mata.

Biro pa ni Sharon, kulang na lang ay makasama niya si Johnny Depp at sabay silang maging pirata sa Caribbean.

-- Umagang Kay Ganda, Enero 13, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.