#PrayforthePhilippines: Kapamilya stars, may dasal at paalala para sa apektado ng pag-alburoto ng Taal

ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2020 08:09 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Trending topic sa Twitter ang salitang Taal at #PrayforthePhilippines hashtag.

Kanya-kanyang post ang mga Kapamilya celebrities ng dasal at paalala para sa mga kababayan na naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Taal.

Sina Vice Ganda, Anne Curtis, Loisa Andalio, TJ Monterde at DJ Chacha, dasal na maging ligtas ang mga kababayan natin lalo na ang mga nakatira malapit sa Taal.

Nagpaalala naman si Gary Valenciano tungkol sa epekto ng paglanghap ng abo mula sa Bulkang Taal at kung paano makakaiwas dito.

Si Bianca Gonzalez ay nagpaalala naman tungkol sa paggamit ng face mask.

-- Umagang Kay Ganda, Enero 13, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.