Joshua at Julia nagkailangan ba sa muling pagkikita?

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2020 06:57 PM

MAYNILA — Puno ng pagsubok ang 2019 para sa dating magkasintahan na sina Julia Barretto at Joshua Garcia. 

Matapos kasi ang kanilang hiwalayan, nasundan ito ng mga serye ng kontrobersiya, partikular na sa pag-uugnay kay Barretto sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo. 

Pero nitong Sabado, muling nagsama ang dalawa sa promo ng kanilang papalapit na pelikula na "Block Z."

Kaya marami ang nagtanong kung nagkailangan ba sila sa muling pagkikita. 

"Noong nakita ko siya, parang na-miss ko din siya. Kasi siyempre ang tagal namin hindi nagkasama. Na-busy siya, na-busy ako," ani Garcia.

Ibinahagi din ni Barretto ang una niyang naramdaman nang makita ang aktor. 

"When I first saw him, it felt familiar... It's a familiar place, a comfortable place, a safe place," aniya. 

Mapapanood ang pelikulang "Block Z" sa Enero 29. 

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.