SB19 nagbigay ng saloobin sa tinatamasang tagumpay

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2020 07:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nag-aalab na sa dami ng views ang "Alab" music video ng Pinoy boy band na SB19.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa press conference, lubos ang naging pasasalamat nila sa kanilang Pinoy fans.

Sa kabila ng tagumpay, nananatili umanong mapagkumbaba ang grupo, ayon sa miyembrong si Ken.

"Sa group po namin mas fino-focus namin na 'yung feet namin on the ground po," aniya.

Normal pa rin ang takbo ng kanilang buhay sa kabila ng pagsikat, ayon sa miyembrong si Josh.

"Wala naman po masyadong nagbago sa buhay namin, nagji-jeep pa rin naman kami," aniya.

Hangad nila na makasama on-stage ang sikat na grupong BTS, maging ang local acts na sina Sarah Geronimo, Morissette Amon, at Gary Valenciano.

Sasabak ngayong 2020 ang grupo sa mga collaboration kasama ang kilalang K-Pop groups, ayon sa managers ng grupo.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.