Angel Locsin, minsang nawalan ng tiwala sa sarili, binalak mag-resign

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2019 09:15 PM | Updated as of Jan 11 2019 09:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pagkatapos ng limang taon ay magbabalik-primetime ang aktres na si Angel Locson upang pangunahan ang seryeng "The General's Daughter."

Pero lingid sa kaalaman ng marami, umabot noon sa puntong na-depress si Locsin at pinag-isipang mag-resign matapos mawalan ng gana at tiwala sa sarili.

"Umabot ako sa point na nagpasa na 'ko ng resignation letter... Feeling ko I'm a failure sa Darna kasi hindi ko nagawa 'yung trabaho ko, feeling ko hindi na ko makakatrabaho because of my health... Talagang gusto ko lang mag-resign," kuwento ni Locsin.

Huling bumida sa primetime si Locsin sa seryeng "The Legal Wife" katambal si Jericho Rosales. Nagkaroon din siya ng special appearance sa "La Luna Sangre." 

Pero pag-amin niya, ang limang taong espasyo sa kaniyang karera ay naging "madilim" pero marami umano siyang napulot na aral.

"Marami akong natutunan sa five years na 'yun, like sino 'yung mga totoong nasa paligid ko, who to trust," ayon sa aktres.

Ngayong 2019, mas handa si Locsin na harapin ang pagsubok lalo't mas masaya at mas malakas daw siya. 

"Feeling ko mas ready ako ngayong i-tackle 'yung ganitong klaseng challenge. Mas excited akong magtrabaho kasi na-appreciate ko 'yung mga katrabaho ko."

Pangako niya, isang bagong Angel Locsin ang makikita ng fans sa serye niyang The General's Daughter.

"Kung sino 'yung Angel Locsin na nakilala niyo noon, sinuportahan, at hinangaan, she's back, and I can say, stronger and happier," ayon sa aktres.

Ayon naman sa mga tao sa likod ng The General's Daughter, isang dambuhalang produksiyon ang gugulat sa mga makakapanood nito. 

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.