MANILA -- Sumakabilang buhay na ang aktres at singer na si Cielito "Mahal" del Mundo. Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Marisoc Nueno.
Si del Mundo ay pumanaw sa Phoenix, Arizona sa Amerika noong Sabado, January 9, dahil sa stroke.
Sumikat si del Mundo bilang singer-actress noong dekada '70, pero higit na nakilala siya bilang host ng charity program na "Kapwa Ko, Mahal Ko." Siya rin ay naging konsehal ng Quezon City.
Matatandaan din si Mahal sa masugid niyang kampanya para ipatupad ang no smoking ordinance sa Quezon City noong dekada '90.
cielito mahal del mundo, kapwa ko mahal ko, actress, singer, death, instant article