Mga senior citizen na naapektuhan ng bagyong Ulysses sa Marikina, binisita ng 'Iba 'Yan'

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2021 09:48 PM

MAYNILA - Binisita ng aktres na si Angel Locsin at ng "Iba 'Yan" ang mga matatandang inaalagaan ng Josefheim Foundation sa Marikina City.

Kuwento no Fr. Dari Dioquino, lumaki siya sa kaniyang mga lolo at lola kaya't malapit ang puso niya sa mga matatanda.

Nang nakakita siya ng inabandonang matanda, sinimulan niya at ng iba pang mga pari ang Josefheim Foundation, na siyang kumukupkop sa mga matatandang hindi na kayang alagaan ng kanilang mga pamilya.

Nang manalasa ang bagyong Ulysses sa Marikina City, isa ang Josefheim Foundation sa mga naapektuhan ng pagbaha.

Sa tulong ng mga donor, tinulungan ng Iba 'Yan ang mga beneficiary ng Josefheim Foundation.

Panoorin ang kanilang kuwento.

Watch more News on iWantTFC