Sharon ipinaliwanag ang 'open letter' para sa panganay na si KC

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2020 08:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Magkahalong saya at lungkot ang back-to-back "mega" celebration ni Sharon Cuneta matapos niyang mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN at mag-celebrate ng kaniyang kaarawan nitong linggo. 

Full force ang executives ng Kapamilya network sa contract signing ni Cuneta, kasama ang anak nitong si Frankie Pangilinan.

Pagkatapos ng pirmahan, diretso si Cuneta sa press conference kung saan sorpresa siyang hinandugan ng kanta nina Jed Madela, Nyoy Volante, at iba pang mag-aawit. 

Pero ang hot topic sa press con ay ang lungkot na naramdaman ni Cuneta dahil no-show ang kaniyang panganay na si KC Concepcion sa ilang okasyon ng pamilya. 

Una itong ibinulgar ng Megastar sa kaniyang birthday special sa "ASAP Natin 'To" na nasundan pa ng kaniyang open letter kay Concepcion sa Instagram. 

Pakiramdam umano ni Cuneta ay dumidistansiya si Concepcion sa kanila.

"I was forced to [write the open letter] because the greeting my daughter made with explanations on her absence on my birthday show in ASAP was posted in social media [too]," anang aktres. 

"It all boils down to her mother missing her daughter."

Pero alam daw ni Cuneta na magkakaayos at magkakausap rin sila ni Concepcion.

Sa ngayon, patong-patong ang mga proyektong gagawin ni Cuneta, kabilang ang 7 pelikula na under negotiation, 2 concert tours sa Australia at North America, at TV show sa Kapamilya network. 
    

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.