Maja Salvador, humanga sa galing ni Joshua Garcia sa 'The Killer Bride'

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2020 04:24 PM

Maja Salvador (kaliwa) at Joshua Garcia. Mga retrato mula sa Instagram (@iammajasalvador at @garciajoshuae)

MAYNILA -- Humanga si Maja Salvador sa husay ng pag-arte ni Joshua Garcia, isa sa kasama niyang bida sa sikat na seryeng "The Killer Bride." 

Sa kanyang Twitter account, ipinaabot ni Maja ang paghanga sa husay ng aktor matapos ang sanib-puwersa nilang pagganap para sa matitinding eksena sa serye na ipinalabas nitong Huwebes ng gabi.

"Galing mo eh!" pahayag niya kay Joshua sa isang tweet.

"Mas magaling ka eh," sagot naman ni Joshua.

Sa serye, mainit na sagutan at sabwatan ang naganap sa pagitan ng mga karakter na sina Elias (Joshua) at Camila (Maja) para mahuli si Alice (Lara Quigaman) na siya ring "killer groom."

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa Enero 17 nakatakda ang pagtatapos ng "The Killer Bride."


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.