Liza, Enrique napag-uusapan na nga ba ang kasalan?

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2020 08:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Blockbuster ang pagtanggap ng Kapamilya fans para sa nalalapit na pagsisimula ng comeback teleserye nina Liza Soberano at Enrique Gil na may pamagat na "Make It With You."

Sa grand press conference ng serye noong Huwebes, isa-isa nang pinakilala ang mga gaganap sa mga karakter kasama ng LizQuen.

Una na diyan ang nagbabalik-artista na si Herbert Bautista.

Kasali rin sa cast ang beauty queen na si Katarina Rodriguez.

Balik-serye rin sina Pokwang at Ian Veneracion na gaganap bilang pamilya ni Gil.

Nasa teleserye rin sila Katya Santos, Eddie Gutierrez, at ibang bagong Kapamilya stars.

USAPANG KASAL?

Sa gitna naman ng excitement sa bagong teleserye, napahinto ang lahat nang biglang humirit si Bautista na tila ba nagpapahiwatig ng usapang kasal.

Umamin si Soberano na napag-usapan na nila ito.

"Wala pa namang theme, pero we talk about when, where, but you know, hindi namin alam baka mapabilis, mapatagal because of careers or things we wanna focus on. Mararamdaman naman namin when the time is right," ayon sa aktres.

Mapapanood na ang Make It With You simula Enero 13 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


—Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.