Star Dreamers, sasabak na sa showbiz

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2019 11:52 AM | Updated as of Jan 10 2019 12:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Kasamang humarap sa showbiz media ng latest batch ng Star Dreamers si direk Lauren Dyogi na masasabing nag-discover sa bawat isa sa kanila.

Dito sinabi ni direk Lauren na panibagong mga pagsubok at paghasa ng talento ang haharapin ng Star Dreamers.

"Lagi naman may surprise sa 'PBB.' So we don't really tell them na tapos na until we have the big night and we announce. For now the commitment is to give them workshop to determine kung sino sa kanila may determination, may puso sa pag-aartista o sa larangan ng showbiz," ani direk Lauren.

Inamin pa ni direk Lauren na major adjustment pa ang pagdadaanan ng Star Dreamers ngayon na kalalabas lang sa outside world.

"What you see now they're raw, hindi pa marunong masyado sumagot ng ano 'yan eh, you have guide them pa. In the coming months, we will give them workshops. I've spoken to them, medyo disoriented pa mga 'yan," aniya.

"We're still going to help them, get adjusted. Yu know how crazy showbiz is. They need also to prepare," dagdag pa ni direk Lauren.

Nag-go go-see na sa ngayon ang ilan sa Star Dreamers para sa future projects ng ABS-CBN na dapat ng abangan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.