JM de Guzman, naghahanda na para sa bagong serye

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2019 11:50 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Paghahanda para sa bagong teleserye ang dahilan ni JM de Guzman para mas lalo pang pagandahin ang kanyang pangangatawan.

"For physical at gusto ko ring ma-condition 'yung mental strength ko. Kasi may paparating na soap drama, emotional," ani JM sa pagbistia nito sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes.

Ayon kay JM, iba't ibang klaseng workout ang ginagawa niya ngayon.
 
"MMA, freestyle wrestling, muay Thai, boxing. Tapos nagpapatulong naman ako sa weight training," dagdag ni JM.

Maliban sa bagong teleserye, magkakaroon din ng pelikula si JM kasama si Arci Muñoz at isang concert sa Pebrero 1 sa Music Museum.

Maliban sa galing sa pag-arte, hindi rin maitatago ang pagmamahal ni JM sa pag-awit. Ayon sa kanya, marami siyang makakasamang guest artists sa kanyang "Love Goes On" concert.

"Mayroon kaming mga araw na nakalaan doon sa rehearsals at sa sarili ko lang I listen to it, 'yung repertoire," ani JM.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.