Elisse nanghihinayang sa pagtatapos ng relasyon nila ni McCoy

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2019 09:06 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inamin ni Elisse Joson na nanghihinayang siya sa kung paano nagtapos ang kanilang relasyon ng katambal niya na si McCoy De Leon.

Sa panayam ng ABS-CBN News kina Joson at De Leon, inamin ng dalawa na "on-and-off" ang kanilang relasyon sa gitna ng shooting ng pelikulang "Sakaling Maging Tayo."

Pero ayon kay Joson, sa huli ay "naging hindi na okay" sila ni De Leon bagaman nanatili silang "civil" o may magandang pakikitungo sa isa't isa.

"We started na hindi okay and then inayos, naayos naging okay tapos naging hindi na okay sa end," ani Joson.

"We don't really talk anymore. Siguro civil, we're trying to heal the wounds, we're trying to parang block the anger," ani Joson.

"Nanghihinayang ako on how things, the way things had to be, how it ended," dagdag ni Joson.

Pero para kay De Leon, wala siyang panghihinayang dahil alam daw niyang sa kanilang pagsasama ay naging mabuting tao si Joson.

"'Di ako nanghihinayang kasi personally, alam ko naging better siyang tao, daughter," ani De Leon.

Muli ring itinanggi ni Joson ang isyung hindi boto ang kaniyang ina kay De Leon.

Sa kabila nito, umaasa ang tambalan na magkakaroon pa sila ng proyekto kasama ang isa't isa.

Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa bansa simula Enero 16 ang "Sakaling Maging Tayo."

Noong Abril ng nakaraang taon pa lang ay maugong na ang balitang hiwalayan ng tambalan nina Joson at De Leon dahil sa mga hindi pagkakaunawaan.

Noong Seytembre, magkasama pang dumalo ang dalawa sa ABS-CBN Ball.

--Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.