Coco Martin, labis ang pasasalamat sa Poong Itim na Nazareno

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2020 11:55 AM

MAYNILA -- Nagpasalamat ang aktor na si Coco Martin sa Poong Itim na Nazareno dahil sa mga biyayang kanyang natatanggap. 

Sa Instagram nitong Huwebes sa araw ng Traslacion, ibinagi ni Coco ang isang larawan kung saan kitang nasa loob siya ng simbahan at nagdarasal.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

"Walang hanggang pasasalamat po sa Poong Jesus Nazareno sa lubos na biyaya, pagmamahal at paggabay sa akin at sa aking buong pamilya. Higit pa sa aking hiniling noon ang binigay niyo sa akin ngayon. Maraming maraming salamat po, Ama Jesus Nazareno," ani Coco sa caption.

Si Coco ay isa sa mga artistang kilala sa kanilang debosyon sa Nazareno. 

Sa nakaraang panayam kay Coco, ikinuwento nito na hindi pa siya sikat ay namamanata na siya sa Nazareno at halos taon-taon siyang nakikiisa sa Traslacion.

Ayon sa aktor, sa Nazareno niya ipinagdarasal ang kayang mga hiling at pinagdadaanang pagsubok.

Naniniwala rin ang aktor na ang kanyang karera sa showbiz ay sagot sa mga dasal niya noon sa Nazareno. 

Si Coco ang bida ng sikat na serye ng ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsyano" na ipinapalabas mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "TV Patrol."