PatrolPH

Ai-Ai delas Alas, target magka-baby ngayong 2019

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2019 01:25 PM


MAYNILA -- Looking forward si Ai-Ai delas Alas para sa exciting na taon na kanyang haharapin.

Una na dito, ang maagang paghahanda niya para sa kanyang 30th anniversary concert na gaganapin sa Araneta Coliseum na itatapat mismo sa kanyang karaawan sa Nobyembre.

"Ngayong 2019 baka ngayong taon i-celebarate ko ang 30th anniversary ko sa showbiz, tutal talagang 30th ko ngayong year at i-celeberate ko talaga dahil bihira lang naman ang makarating ng 30-years 'di ba in the business, lalo ngayon," tugon niya sa panayam ng press.

Ayon pa kay Ai-Ai, wish niya na makasama ang mga taong naging malapit sa kanya sa loob ng 30 taon sa showbiz.

"Lahat ng mga nakasama ko na bago at lumang kaibigan sa industriya, gusto ko lahat sila andon kasi part sila ng buhay ko," kuwento pa ni Ai-Ai.

Bukod sa maagang paghahanda sa kanyang 30th anniversary concert, plano na din ng 54-anyos na komedyana ang magpahinga para bigyan ng oras ang kanyang planong pagbubuntis.

Aniya, matagal na niyang plano na bigyan ng anak ang mister na si Gerald Sibayan na nauudlot dahil sa kanyang trabaho.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Martina Eileen D.A. SIBAYAN (@msaiaidelasalas) on

"Hanggang 2020 mag-baby na talaga ako, 'yun talaga game na game na ako," aniya. "Magkaroon man lang kami (ng anak) kahit isa."

Wala din daw ibang hiling ang Comedy Queen pagdating sa kasarian ng kanyang magiging anak.

"Okay lang kahit boy or girl, basta normal siya and healthy baby, kahit anong ibigay ni Lord, game ako," masayang pahayag ni Ai-Ai.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.