PatrolPH

'It's Showtime' hosts, nagpauso ng bagong dance challenge

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2021 11:39 AM | Updated as of Jan 08 2021 04:36 PM

MAYNILA -- Nagpasimula ng bagong dance challenge ang mga host ng "It's Showtime."

Nitong Huwebes, ipinakita nina Vice Ganda, Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, at Amy Perez kung paano ang paghataw sa "Chick-A-Boom" dance challenge.

Ang awiting "Chick-A-Boom (Don't Ya Jes' Love It)" ay inawit Daddy Dewdrop noong dekada '70.

Kasama ring nakisayaw ang iba pang hosts na sina Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Ion Perez at Jackque Gonzaga.

Nakakaaliw at simple lang ang steps ng bagong dance challenge na mas magandang gawin kung may partner o iba pang kasama.

Samantala, trending agad ang hashtag #ShowtimeBagongLiwanag kung saan maraming netizens at mga manonood ang nagpahayag ng kanilang pagkagiliw sa bagong dance challenge.

Related video:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.