Feng shui expert: Kathryn Bernardo, maaaring mabuntis ngayong 2019?

ABS-CBN News

Posted at Jan 07 2019 11:49 AM | Updated as of Jan 07 2019 12:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ano nga ba ang maaring maganap sa mga celebrities ngayong bagong taon ayon na rin sa hula?

Sa "Rated K" nitong Linggo, ibinahagi ng ilang mga eksperto sa pagbabasa ng kapalaran ang kanilang hula sa ilang celebrities para sa taong 2019.

Maari umanong mabuntis ang aktres na si Kathryn Bernardo, ayon kay Master Thomas Leang, isang feng shui expert. 

"May isang artista na nakikita namin na may chance na puwedeng mabuntis ngayong taon na ito, si Kathryn Bernardo," ani Master Thomas.

Samantala, pinag-iingat naman ang nobyo ni Kathryn na si Daniel Padilla dahil sa 'di umano ay nakaabang na aksidente ngayong 2019.

"Si Daniel medyo mag-iingat lang kasi Year of the Pig siya. Puno ng challenge. Malapit si Daniel sa accident itong taon na ito," ani Master Ang na isa namang numerologist.

Maliban kina Kathryn at Daniel, pinag-iingat din sa kanyang kalusugan ang aktor na si Enrique Gil.

Isang anak naman na lalaki ang maaring magkaroon ang bida ng 
"FPJ's Ang Probinsyano" na si Coco Martin, ito ay ayon naman sa hula ni Master Hanz Cua.

Maganda naman ang taong 2019 para sa tambalan nina James Reid at Nadine Lustre at Maymay Entrata at Edward Barber. 

"Ipinanganak si Maymay sa panahon ng Year of the Ox, mas magiging maganda ang taon ni Maymay ngayong taon. Si Edward naman ipinanganak ng Dragon, lahat nang ipinanganak ng Dragon ngayong taon na ito, bongga ang magiging taon nila sobrang ganda," ani Master Ang.

"Mas maganda ang pagpasok ng chart ng stars kay Nadine, marami siyang success at siya ang possible na magdala sa kanilang love team. This year mas marami siyang project and endorsement na lalabas sa month of March, June, September and December," ani Master Hanz Cua.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.