PatrolPH

'90s OPM band vocalists, sanib-puwersa sa isang concert

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2020 11:50 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Masisiyahan ang mga batang '90s dahil magsasama-sama sa isang concert ang mga bokalista ng sikat na OPM bands sa dekada '90.

Sa kanilang pictorial para sa "90s Frontmen" concert, napa-throwback kaagad ng kuwento sina Jett Pangan ng The Dawn at Basti Artadi ng Wolfgang.

"Masaya, kulitan on stage but most of all 'yung music na kinalakihan natin lahat," ani Jett.
 
"The versions we're gonna be doing are the ones they're not familiar with and I think we are going to be interjecting new things also," ani Basti.
 
Kwento naman ni Wency Cornejo ng AfterImage at Dong Abay ng Yano, tulad ng kanilang pagkakaibigan, hindi kumukupas ang kanilang hit songs na paborito sabayan ng kanilang audience.

"Througout the years parang mas naging close tayo ngayon because of all that shows na nagagawa namin because 'yun nga hinahanap ng mga tao na magkakasama kami," ani Wency.

"Siguro 'yung mga lumaki sa '90s na music na nakinig sa amin, sa music ng '90s, I think isama nila ang families nila," ani Dong.
 
Magaganap ang "90s Frontmen" concert sa Enero 31 at Pebrero 1 sa Music Museum.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.