Coleen Garcia, nilinaw na walang isyu kay Anne Curtis

ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2020 03:47 PM | Updated as of Jan 05 2020 03:55 PM

MAYNILA -- Wala muna sa plano nang TV host-actress na si Coleen Garcia ang magbalik sa Kapamilya noontime show na "It's Showtime."

Ayon kay Coleen, mas nag-e-enjoy muna siya ngayon na lubusin ang kaniyang oras sa ibang trabaho at buhay-asawa kasama si Billy Crawford. 

"To promote or to guest, but 'yung mag mainstay again, I'm not sure... Right now, I'm enjoying kasi muna, and ang dami kong nagagawa rin," tugon niya sa naganap na media conference ng pelikulang "Mia" kasama si Edgar Allan Guzman.

Matatandaan na taong 2016, kinumpirma ni Coleen na hindi na siya magiging bahagi nang Kapamilya noontime show na nasundan ng kabi-kabilang haka-haka na iringan umano nila ni Anne Curtis.

"Never kami nagka-anything (iringan). I mean she even invited me sa BLK in Australia after everything. I don't know, siguro mga tao lang ang gumagawa ng drama. I mean it's always exciting when there's drama but with us, never naman nagka-fight, tampuhan or anything," ani Coleen.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen) on

Alam rin daw nila ni Anne na may mga naglabasan na isyu tungkol sa iringan umano nila sa "Showtime."

“Noong time na 'yun kasi ang daming isyu na lumalabas. It wasn't just that. Although, I did adjust with these before as far as I remember. Actually noong nawala ako sa 'Showtime,' isa siya sa unang nag-text sa akin," paliwanag niya.

At kung ilalarawan ang kanilang relasyon ngayon ni Anne, ani Coleen: "Very good. Alam mo 'yung parang you're all like settled down and you're all married, parang you all kind of share a similar mindset also, di ba? So parang andon kaming lahat ngayon sa 'Showtime' -- sina Jhong (Hilario), Ryan (Bang) na lang ata and si Vice ang hindi ikinakasal eh."

Sa ngayon, tutok muna bilang aktres si Coleen na bida sa pelikilang "Mia" na mapapanood ngayong Enero 15.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.