PatrolPH

Daan-daang lalahok sa nationwide 'Tala' flash mob ng ASAP todo-ensayo na

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2020 07:26 PM

Watch more on iWantTFC

 

MAYNILA — Puspusan na ang paghahanda nitong Sabado ng daan-daang sasali sa engrandeng flash mob dance ng "Tala" na gaganapin sa ASAP Natin 'To sa Linggo.

Nagmistulang malaking fans' day ng "popsters" ang rehearsals para ma-perfect ang sayaw sa viral song ni Sarah Geronimo.

Mahigit 300 tao ang nag-ensayo sa ABS-CBN compound sa tulong mismo ng G-Force, na siyang lumikha ng iconic dance moves para sa Tala. 

Kuwento ni G-Force founder Georcelle Dapat-Sy, hindi siya makapaniwala sa pagiging dance craze ng Tala lalo't 3 taon na mula nang lumabas ang awitin. 

Bukod sa mga magtatanghal sa ASAP stage, mayroon din lalahok mula sa ibang panig ng bansa para sa nationwide Tala flash mob.

Mapapanood ang performace sa ASAP sa Linggo.

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.