'Iba 'Yan': Mga dating nabilanggo, paano nga ba namumuhay sa kanilang pagbabalik sa lipunan?

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2021 08:47 PM

MAYNILA - Binista ng aktres na si Angel Locsin at ng "Iba 'Yan" ang mga returning citizen, o 'yung mga dating na-bilanggo at kinamusta ang kanilang pamumuhay sa kanilang pagbabalik sa lipunan.

Nakipag-ugnayan ang iba yan sa Humanitarian Legal Assistance Foundation (HLAF), isang grupong tumutulong sa mga returning citizen para makapagsimula muli.

Isa si Alfred Alaras sa mga tumutulong sa mga persons deprived of liberty. Dati na ring nakulong si Alfred, at dahil sa kaniyang mga naranasan, tumutulong siya ngayon sa mga katulad niyang returning citizen.

Sa tulong ng mga donor, tinulungan ng Iba 'Yan ang mga returning citizen at ang kanilang mga pamilya.

Panoorin ang kanilang kuwento.

Watch more News on iWantTFC