'Miracle in Cell No. 7' director, writer ipinagtaka ang MMFF snub

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2020 07:33 PM | Updated as of Jan 03 2020 07:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Maluwag na tinanggap ni Aga Muhlach ang pagkaligwak niya bilang best actor sa nagdaang Metro Manila Film Fest (MMFF), kahit pa tila nangunguna sa takilya ang pinagbidahan niyang entry na "Miracle in Cell No. 7."

"Wala pong best actor, all of us we try out best. [Si] Allen [Dizon], mga kasama ko. Coco [Martin], Vice [Ganda], these are great actors... Kahit sinong kasama ko sa industriya na nabigyang pansin, [okay sa akin]," aniya.

Palaisipan lang sa direktor at writer ng pelikula kung bakit zero sila sa awards base sa umano'y argumento na Pinoy adaptation lang ito ng isang Korean original. 

"Di ako makapaniwala na in-ignore, na-snub kami sa awards especially sa actors," sabi ni Nuel Naval, direktor ng pelikula.

"It's a decent adaptation, legally-adapted, but it's better than ripping off something and passing it off as an original," ayon naman sa screenwriter na si Mel del Rosario.

Gayunman, masaya ang cast and crew dahil patok ang pelikula sa mga manonood. 

Tinatayang pumalo na sa P300 milyon ang nabentang ticket ng Miracle in Cell No. 7.


—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.