John Lloyd Cruz, balik-trabaho na?

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2020 12:47 PM | Updated as of Jan 03 2020 09:32 PM

MANILA -- Magbabalik na nga ba sa showbiz si John Lloyd Cruz?

Ito ang tanong ng kanyang mga tagahanga matapos lumabas ang kanyang larawan kasama ang mang-aawit ng grupong The Jerks na si Chickoy Pura.

Ibinahagi ni Chickoy ang larawan noong Huwebes, nang magpasalamat siya sa simula ng kanyang proyekto kasama ang direktor na si Lav Diaz.

"Jan. 1, 2020. What a great way to start the year. To work again with the great director and friend Lavrente Diaz... Maraming, maraming salamat sa pagkakataon. Humbled and honored," aniya.

 

Sa ngayon ay wala pang ibang detalye sa nasabing proyekto. 

Wala pa ring opisyal na pahayag sa muling pagbabalik-showbiz ni John Lloyd. Taong 2017 nang magdesisyon ang aktor na magpahinga matapos maugnay kay Ellen Adarna, na nakasama niya sa "Home Sweetie Home." 

Noong 2018, lumabas ang balitang ipinanganak na ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd. 

Ilang buwan lamang ang nakakaraan ay lumabas ang isyung hiwalay na ang aktor kay Ellen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.