Coleen Garcia, kinumpirmang magkasama sina James, Nadine noong Bagong Taon

Reyma Buan-Deveza, ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2020 04:56 PM | Updated as of Jan 07 2020 06:42 AM

Kinumpirma ni Coleen Garcia (kanan) na nakasama niya sina James Reid at Nadine Lustre (kaliwa) sa pagsalubong ng Bagong Taon. Retrato mula sa Instagram (@james/@coleen)

MAYNILA -- Kinumpirma ni Coleen Garcia na kasama nila ng kanyang asawang si Billy Crawford sina James Reid at Nadine Lustre noong Miyerkoles matapos ang pagsalubong ng Bagong Taon.

"Actually, yes. Kasama namin sila after the countdown," ani Coleen nitong Biyernes nang matanong ng entertainment media sa press conference ng bago niyang pelikula na "Mia" kung saan kasama niyang bida si Edgar Allan Guzman.

Nang tanungin kung maaari niyang kumpirmahin na hindi totoo ang balitang hiwalay na ang dalawa, sagot ni Coleen: "Sinasabi ko lang naman na kasama namin sila, wala naman akong ibang sinasabi."

Ayon kay Coleen, mas magandang sina James at Nadine na lang ang sumagot sa isyu, lalo't wala siyang kinalaman at alam dito.

"I mean whatever their issue is, I'm sure they can answer that themselves," aniya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Matatandaang naging aktibo ang mga tagahanga nina James at Nadine sa pagsalag sa lumabas na balitang hiwalay na umano ang kanilang mga idolo.