MMFF inaasahang maaabot ang P1-B target

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2019 09:18 PM

Inaasahan ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival na maaabot nila ang P1 bilyong target ngayong taon, ayon sa spokesperson ng festival. 

Ayon kay MMFF executive committee spokesperson Noel Ferrer, naungusan umano ng 2018 MMFF ang box-office gross ng 2017 MMFF noong Kapaskuhan, ngunit hindi niya ibinigay ang eksaktong halaga na nalikom. 

“Despite the rains, we are very happy to say that a large part of the Filipino audiences have gone back to the theaters again this holiday season; and we have exceeded the 2017 Christmas and New Year box-office gross of the MMFF,” ani Ferrer sa isang pahayag. 

"We are looking forward to more and more people watching ALL the MMFF entries until January 7, and it is significant to note that there have been additional theaters where you can catch the films of your choice. Let’s all carry on to the P1-B mark!" dagdag niya. 

Pinagbabawalan sa ilalim ng mga patakaran ng MMFF ang mga pelikula na sabihin ang nakuhang kita sa festival. 

Magugunitang patok sa takilya noong opening night ang "Fantastica" na pinangunahan ni Vice Ganda at sinundan ito ng "Jack em Popoy: The Puliscredibles," nina Coco Martin; "Aurora" ni Anne Curtis; at "Mary, Marry Me" ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga. 

Tatagal hanggang sa unang linggo ng Enero ang mga pelikulang kalahok sa MMFF.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.