PANOORIN: 'Tawag' contestant, napaiyak sa natanggap na tulong

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2018 05:47 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi napigilan ni Efren Aying, isa sa mga kalahok sa "Tawag ng Tanghalan" nitong Miyerkoles, ang kanyang mga luha matapos siyang bigyang ng pambili ng bagong sapatos ni Mitoy Yonting. 

Paliwanag ni Yonting, isa sa mga hurado, ay napansin niya na tila iisa ang pares ng sapatos ni Efren. Regalo niya ito kay Efren para sa Bagong Taon. 

Matapos nilang mag-iyakan ay sunod-sunod na ang nag-alok ng tulong pinansyal kay Efren, isang anak ng mangingisda mula Cebu na hindi nakapagtapos ng kolehiyo. 

Kabilang sa mga nagbigay ng tulong ay si Jhong Hilario, Vhong Navarro, Ryan Bang, Rey Valera, at ila pang mga miyembro ng studio audience. 

"Akala ko hindi ko kaya pumuntang dito," ani ni Efren. "Blessing [ito mula] sa Panginoon." 

Dahil sa naging emosyonal na segment ay agad nag-trend ang pangalan ni "Tatay Efren" sa Twitter. Marami umano ang na-touch sa kanyang storya at sa pagiging mapagbigay ng mga hurado at hosts. 

Hindi napili si Efren para makalaban ang defending champion na si Mara Santos. Paliwanag ni Valera ay mas bagay si Efren na maging composer, matapos marinig ang kanyang mga original compositions, kaysa maging isang singer.