Joey Marquez, ibinahagi ang pangako ni Winwyn sa kanya

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2018 01:43 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bilang ama ni Teresita "Winwyn" Márquez, ang reigning Reina Hispanoamericana, proud si Joey Marquez sa karangalan na naibigay ng anak sa bansa.
 
Naikuwento ni Joey na kahit maipasa na ni Winwyn ang korona at matapos ang kanyang reign, may promise pa ito na tutuparin sa kanya.
 
"Pangako niya sa akin, mag-masters siya, tapos mag-PhD," ani Joey.

Kung pag-aasawa naman ng kanyang anak ang pag-uusapan, walang problema kay Joey, basta't makatapos ito ng pag-aaral. 

"Sa akin wala naman sa edad 'yan eh. Aa akin kasi ang rule ko makatapos ng pag-aral and then you can do anything you want, ani Joey

Kasama rin si Joey sa MMFF horror movie na "Haunted Forrest" na showing pa rin ngayon kasama ang pito pang entries ng 2017 Metro Manila Film Festival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.