Jessy, handang makatrabaho ang ex na si JM

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2018 09:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapos ang kaniyang mahabang pahinga, sabik nang makabalik sa trabaho ang aktres na si Jessy Mendiola ngayong taon.

"Now mayroon akong newfound hope and it looks like 2018 will be really, really exciting," ani Mendiola sa panayam ng ABS-CBN News.

"'Yong TV series I think they are making one na. Movies, mayroon akong isa pero hindi pa napu-push through kasi holidays na," kuwento ng 25 anyos.

Mayo noong nakaraang taon nang aminin ni Mendiola na iniisip nitong lumisan sa industriya.

Pero pinigilan siya ng manager na si Johnny Manahan, na siya ring pinuno ng Star Magic, at ng nobyong si Luis Manzano.

Tila makakasabay rin ni Mendiola ang dating nobyong si JM De Guzman, na dalawang taon namang nawala sa showbiz matapos pumasok sa rehab.

Maingay ang pagbabalik-showbiz ng aktor, na huling napanood noong 2015 sa teleseryeng "All Of Me."

Nakipagpulong na rin si De Guzman sa Star Magic at mayroon na rin itong ibang offer.

"I'm really happy for him," pahayag ni Mendiola nang tanungin hinggil kay De Guzman.

"Lahat naman ng tao may pag-asang magbago so kung saan siya masaya, masaya ako para sa kaniya," dagdag ng aktres.

Bukas din umano si Mendiola na makatrabaho ang dating nobyo.

"Basta sa akin, as long as he is okay, he is happy, he has fully recovered and he is ready to work, good luck sa kaniya. I am very happy for him too," ani Mendiola.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.