Jane Oineza, nais sumabak sa action films ngayong 2018

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2018 01:27 PM

MANILA -- Nais ng aktres na si Jane Oineza na sumubok sa paggawa ng mga maaksiyong proyekto.

"Actually kahit ano pero gusto ko ng bago. Something new na. Siguro action puwede. 'Yung fighting scenes, ganyan," ani Jane sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles.

"Or kaya comedy naman. Kasi 'yung last kong comedy siguro 'Goin Bulilit' pa," dagdag ni Jane na 21 anos na.

Matatandaang bago makilala sa galing niya sa drama, nagsimula si Jane bilang child star na parte ng sikat na palabas na "Goin Bulilit."

Sa ngayon, maliban sa pagiging aktres ay tumatayo ring ina si Jane sa kanyang mga kapatid matapos mag-desisyon ang kanyang ina na magtrabaho sa ibang bansa.

"Actually matagal na niyang gusto. Kaya nga nag-aral siya. Gusto niyang mag-work doon. Sabi ko sa kanya na ayaw ko, dito na lang. Kung gusto niyang mag-work, dito na lang para malapit sa amin. But 'yun gusto rin niya talagang mag-ibang bansa," ani Jane.

Ani Jane, kahit mahirap ay may tulong at suporta naman siyang nakukuha mula sa kanyang ama.

Isa si Jane sa mga bida ng horror film na "Haunted Forest" na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.