MMFF movies mapapanood hanggang Jan. 7

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2017 12:12 PM | Updated as of Jan 03 2017 12:13 PM

MANILA -- Ngayong araw January 3 ang last day ng pagpapalabas ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na nagsimula noong December 25.

Pero good news na ibinalita ni Liza Diño, chairman ng Film Development Council of the Philippines, na pumayag ang isang malaking chain of cinemas sa dagdag araw na pagpapalabas ng walong MMFF entries hanggang January 7.

"Ang SM ay umoo na, we are just waiting for the rest of the cinemas, so please say yes," ani Liza.

Ganito din ang laman ng official statement mula sa MMFF Executive Committee na nagpapasalamat sa matagumpay na 2016 MMFF.

Pahabol ni Liza, huwag ikumpara ang bagong MMFF sa mga nagdaang MMFF na commercial movies ang pumapasok na entries.

"Bago talaga siya. So we can't really compare it with the past but we are very happy with the result and nakikita naman natin sa social media 'yung mga reviews hindi ba," ani Liza.

Pinaghahandaan na ngayon pa lang ang 2017 festival para sa mas maganda at makabuluhang pelikula.

"This is going to be the benchmark of the next editions of MMFF. It's just going to better and better and excited kami for next year," sabi ni Liza.

Plano din na magkaroon ng MMFF School Caravan, dito ipapalabas ang walong pelikula sa mapipiling eskuwelahan para mas mailapit ang pelikulang Filipino sa mga kabataan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.