Salamat Dok: Arroyo’s cervical spondylosis

By Yam dela Cruz, Multimedia producer, Salamat Dok

Posted at Aug 13 2011 02:14 PM | Updated as of Aug 18 2011 07:30 PM

Nitong mga nakaraang linggo, naging malaking usap-usapan ang sakit ng dating Pangulo at ngayo’y Kongresista ng Pampanga na si Ginang Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang diagnosis sa kanya ng mga doktor – “multi-level cervical spondylosis radiculopathy with kyphosis" o karaniwang tinatawag na pinched nerve.

Sa kabi-kabilang impormasyon mula sa radyo, telebisyon, dyaryo, Internet lalo na sa social networking sites tungkol sa sakit na ito, marami pa rin ang nalilito.

Ano ba ang Cervical Spondylosis?

“Laging sinasabi Cervical Spondylosis pero ang common term nito ay arthritis. Kung cervical sa leeg, kung lumbar sa likod. Lahat halos ng Pinoy alam na ang arthritis sa tuhod o sa balakang lamang. Isipin niyo lang, ito yung arthritis sa leeg,” paliwanag ni Dr. Jose Pujalte, Chief of Clinics ng Philippine Orthopedic Center.

Salamat Dok: Arroyo’s cervical spondylosis 1
Sa larawang ito makikita ang tinatawag na “disc”. Habang tumatanda ang isang tao ito ay natutuyo. Ang joint naman napupudpod. Ito ang madalas niyong marinig na ‘wear and tear’.

Salamat Dok: Arroyo’s cervical spondylosis 2
Dagdag pa ni Dr. Pujalte, “Kapag tumanda at natuyo ang disc, itong dilaw na nakikita niyo sa larawan (sa baba) ay babagsak at maiipit. Ito ang tinatawag na pinched nerve.”

Salamat Dok: Arroyo’s cervical spondylosis 3

Sino ang mga nagkakaroon nito?

  • Matatanda
  • May degenerative joint disease
  • Naglalaro ng sobrang pisikal na sports
  • May history ng neck pain sa pamilya
  • May osteoporosis
  • Naninigarilyo
  • Naaksidente o na-trauma
  • Nagkaroon ng neck injury
  • Madaming neck motion ang trabaho
  • May depresyon

Sintomas

  • Pananakit at paninigas ng leeg
  • Pamamanhid at panghihina ng braso, kamay at daliri
  • Pananakit ng ulo at balikat
  • Hirap sa paglalakad at kawalan ng balanse
  • Spasm o panginginig ng kalamnan ng leeg at balikat
  • Ginigiling at lumalagutok na pakiramdam sa leeg

Mga Pagsusuri

  • X-rays - makikita ang pagbabago sa disc dala ng pagtanda
  • Magnetic resonance imaging (MRI)- makikita ang mas malinaw na imahe ng kalamnan, disks, nerves at spinal cord.
  • Computed tomography (CT) scans – ginagamit para tingnan ang buto at spinal canal
  • Myelography – paggamit ng dye sa pagsusuri ng spinal canal at nerve roots
  • Electromyography (EMG)- pag-eksamin sa sa nerve damage

Mga Gamutan

Walang operasyon

  • Physical therapy. Pinapalakas at binabanat ang nanghinang o apektadong kalamnan
  • Medications. Paggamit ng Acetaminophen, non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) at muscle relaxants
  • Soft Collars. Sandali lamang ang pagsusuot nito dahil nababawasan ang lakas ng neck muscles sa matagalang paggamit
  • Salamat Dok: Arroyo’s cervical spondylosis 4
  • Ice, heat, atbp. Ang mga ito ay nakakatulong para mapawi ang sintomas.
  • Steroid-Based Injections. Ginagamit ito kung nais mapabilis ang pagkawala ng pananakit.


May Operasyon

Ginagawa lamang ito sa mga pasyenteng nakakaranasa ng matinding pananakit at hindi malunasan ng iba pang paraan, Kadalasan, ang mga nanghihina, namamanhid at natutumba ang mga taong naooperahan.

“Yong kay PGMA non-traumatic. Overtime, dahan dahan. sinubukan ng mga doctor na gamutin siya the conservative way. Pinagsuot ng collar. pinapahinga, binibigyan ng gamot. Pero ang nakita natin, hindi umubra kaya nagdesisyon silang operahan,” pahabol ni Dr. Pujalte.

Sources: Mayo Clinic, freemd, American Academy of Orthopedic Surgeons

Aired: August 6, 2011