PatrolPH

'Bday gift to Papa': Netizens naantig sa kuwento ng asong ipina-taxidermy

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2022 06:28 PM

Ibinahagi ni Bayan Patroller Gheanne Alega ang unboxing video ng kanyang biyenan sa naka-preserve na asong si Coco.

Kwento ni Gheanne, dumaan sa prosesong taxidermy ang pagpepreserba sa kanilang aso na si Coco na namatay noong Hulyo 15, 2022 sa edad na 4 na taon. 

Aniya, ito ang unang aso ng kanilang pamilya kaya lubos ang kalungkutan ng kanyang biyenan na si Chalton Altega nang biglaan itong namatay matapos malason sa nakain na palaka.

Watch more News on iWantTFC

Courtesy of Bayan Patroller Gheanne Alega

Ayon sa patroller, naging extra special ang pagdating ng nakapreserbang anyo ni Coco dahil saktong ika-59 na kaarawan naman ng kanyang biyenan nang i-deliver ito.

Umabot nang 4 na buwan bago natapos ang taxidermy process kay Coco at P11,000 ang kanilang binayaran para dito, dagdag niya.

Ayon sa website ng PetErnity kung saan ipina-taxidermy si Coco, maaaring umabot ng P5,000 hanggang 100,000 ang magagastos habang 3 hanggang 6 na buwan naman aabutin ang proeseso, depende sa laki ng alagang hayop. 

Maaaring tumagal nang 100 taon kapag idinaan sa taxidermy.

— Ulat ni Shadrach S. Corro

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.