PatrolPH

5 lalaking nagpapaaway umano ng mga isda sa Davao City, tiklo sa 'pagsusugal'

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2021 10:28 PM

Davao City Police Office
Kuha ng Davao City Police Office

Inaresto ng pulisya ang limang lalaking sangkot umano sa ilegal na sugal gamit ang mga isda sa Barangay 1-A, Davao City, Linggo ng hapon.

Isang lalaki ang nakatakas, ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, nahuli umano nila ang mga lalaking nagsusugal sa Purok 8, Bolton sa NIA Street sa pamamagitan ng pagpapaaway ng isda o "fish fighting".

Nakumpiska ng mga awtoridad ang walong aquarium, 16 na botelya na mayroon "fighting fish" sa loob, at bet money.

Humaharap sa kasong paglabag ng anti-illegal gambling law ang mga naaresto, habang tinutugis naman ang nakatakas.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.