PatrolPH

Mahigit $20,000 na nahulog sa kalye sa Switzerland isinauli

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2022 06:39 AM

GENEVA - Ano ang gagawin mo kung makapulot ka ng mahigit isang milyong piso sa kalye?

Isang matanda ang nag-akala na ninakawan siya matapos mawalan ng nasa $21,000 (mahigit P1.1 milyon) na halaga ng pera na kaniyang winidraw sa isang bank sa Switzerland.

Ayon sa pulisya, nag-withdraw umano ang matanda sa isang Swiss bank sa Martigny. Nang siya'y nakauwi, nadiskubre niya na wala sa kaniya ang pera.

Dahil nga inakala niya na ninakawan siya, pumunta siya sa pulisya para ireport ang pangyayari. 

Pero nadiskubre na nahulog lang niya talaga ang envelope na puno ng pera sa isang parking lot sa kaniyang pagsakay sa kotse niya.

Ayon sa pulisya, isang mag-asawa ang nakatagpo sa nawawalang pera, na nakalagay sa isang envelope, sa isang kalsada. Sinauli umano nila sa lalaki ang pera sa kaniyang bahay.

Nagpapasalamat ang matanda kaya binigyan niya ng 500 francs ang mag-asawa, at tinawag niya umano ang insidente na "magandang kwento ng katapatan." - Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.