PatrolPH

Surgeon sa Austria mali ang na-amputate na paa, minultahan

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2021 01:23 PM | Updated as of Dec 03 2021 10:59 AM

Minultahan ang isang surgeon matapos i-amputate o putulin ang maling paa ng isang 82-anyos na pasyente sa Austria. 

Inanunsiyo ito ng tagapagsalita ng tribunal sa hilagang siyudad ng Linz noong Miyerkoles. 

Sinabi ng 43 anyos na doktor na "human error" ang naging sanhi ng insidente. Gayunman, hinatulan siyang guilty sa gross negligence at minultahan nang 2,700 euros ($3,060).

Maling paa ang minarkahan ng surgeon nang inihahanda na ang pagputol ng paa nito noong Mayo sa bayan ng Freistadt, at napagtanto lang nilang maling paa ang pinutol nito dalawang araw matapos ang surgery. 

Nasa 5,000 euros na danyos at interes ang natanggap ng manugang ng pasyente, na namatay bago ihain ang kaso. 

Sinabi ng surgeon na nagkamali sa chain of control ng operating theater. Inilipat na siya sa panibagong clinic at puwede niyang iapela ang hatol. 

Sabi naman ng pamunuan ng institutsyon na detalyado ang ginawang pag-aanalisa sa medical error na nangyari. 

— Isinalin mula sa Agence France-Presse

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.