Pangangalap ng dugo ng Red Cross, may kakaibang twist

ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2017 03:06 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patok ngayon ang Kapamilya seryeng "La Luna Sangre" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
    
Kaya sa blood donation drive sa Batangas City, gumawa ng twist at nagbihis-bampira ang mga staff ng Philippine Red Cross sa tinagurian nilang La Luna Sangred: Blood Chaser.

"Maganda po itong promotion para po sa bloodletting program para po i-promote ang voluntary blood donation," ani Martin Silang, staff ng Red Cross-Batangas.
    
Pero hindi para kay Supremo ang mga nakalap nilang dugo kung hindi para sa mga Batangue├▒ong nangangailangan nito.

Natuwa naman ang mga blood donors tulad ni Adwin Lubi. Aniya, mas gumaan ang kaniyang pakiramdam sa pagbibigay-tulong sa kapwa.

Balak ng Red Cross-Batangas na ipagpatuloy ang paglalagay ng twist sa bloodletting activities pati na sa darating na Pasko at Valentine's day.
    

--Ulat ni Fay Virrey, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.