PatrolPH

24 baka namatay dahil umano sa kagat ng aso sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2022 11:35 PM | Updated as of Nov 29 2022 04:00 AM

Kuha ni Alejandro Alex Mabagos
Kuha ni Alejandro Alex Mabagos

Hindi makapaniwala ang magsasaka at pastol ng baka na si Alejandro Mabagos na mistulang na-peste at sunod-sunod na namatayan ng mga alagang baka sa Nueva Ecija.

Ang tangi niyang alam sinalakay ng isang tila-nauulol na aso ang kanyang mga alagang baka sa kanilang pastulan noong Setyembre 26 at 27, 2022.

Pagdating ng Oktubre 14, 2022 sunod-sunod ng nangamatay ang kanyang mga alagang baka, pang 24 ang natagpuang patay nitong Biyernes.

Ayon kay Mabagos, 20 sa 24 ng namatay ay pawang mga inahing buntis.

Humihingi ngayon ng tulong sa Department of Agriculture ang magsasaka na pa-imbestigahan ang sunod-sunod na pagkamatay ng 24 nilang mga alagang baka sa Tighaw Cow Farm na pag-aari ng kanilang pamilya.

Nais ni Mabagos na maglatag ang Department of Agriculture ng imbestigasyon sa pangyayari at alamin kung totoo ang report na simula pa noong 2018 ay walang naganap na anti-rabbies vaccination sa mga pinangyarihan ng malawakang pagkamatay ng kanyang mga alagang baka. - ulat ni Rod Izon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.