PatrolPH

Rider sinundan ang manganganak na buntis sa clinic para makapag-deliver

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2022 01:26 PM

Retrato mula kay Noreen Tiempo
Retrato mula kay Noreen Tiempo

Viral ngayon sa social media ang post tungkol sa isang delivery rider na sinundan ang isang manganganak na buntis sa maternity clinic sa Compostela, Davao de Oro para ihatid ang parcel nito.

Ayon sa nag-post na si Noreen Tiempo, nagawa pang kuhanan ng larawan ng rider ang parcel kasama ang kaniyang sister-in-law na manganganak.

Hindi aniya nila napigilang matawa dahil pumasok pa sa loob ng clinic ang rider para maibigay ang parcel.

Damit para sa anak na lalaki ng hipag ni Tiempo ang laman ng inihatid na parcel.

— Ulat ni Hernel Tocmo

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.