Courtesy of Wingsboy Vlog / Erwin Gomez Aboyme
Naanod sa dalampasigan ng Barangay San Vicente, Hindang, Leyte ang maraming hipon.
Nangyari ito alas-5:00 ng madaling araw hanggang tanghali ng Sabado.
Sa isang video, makikitang kanya-kaniyang kuha ang mga residente habang namumulot ng mga maliliit na hipon.
Ang iba ay nagdala pa ng mga balde para paglagyan ng mga hipon.
Ayon sa ilang residente, ito ang unang pagkakataon na mayroong maraming mga maliliit na hipon ang dumagsa sa kanilang barangay.
Dahil sa dami nito ginawang ulam ang mga hipon at ang iba ay inilako sa presyo na P20 ang bawat kilo.
Ayon sa mga residente, grasya sa kanila ang maraming hipon dahil mahirap ang pagpapalaot dahil sa mga pag-ulan at hangin dulot ng shear line at LPA kung saan malalaki ang alon ng dagat.
Magsasagawa naman ng imbestigasyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Eastern Visayas tungkol sa insidente. - Ranulfo Docdocan
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.