Biik na dalawa ang kasarian, agaw-pansin sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2022 01:43 PM

 Photo from Jhonard Leanard Tamayo
Photo from Jhonard Leanard Tamayo

SOLSONA, Ilocos Norte – Agaw pansin ang isang biik sa bayan na ito dahil dalawa ang ari ng naturang hayop.

Ayon kay Jhonard Leanard Tamayo, napansin ng kanyang biyenan na dalawa ang ari ng biik habang tinitignan nila kung ilan ang babae at lalaki na isinilang.

Sa 19 biik na isinilang noong Nobyembre 10, isa ang namatay. "Swerte" naman ang ipinangalan sa biik na may 2 kasarian dahil ito daw ay magbibigay ng swerte sa pamilya.

Masigla at malusog umano si swerte.

Ayon kay Dr. Loida Valenzuela, ang provincial veterinarian ng Ilocos Norte, nagkaroon ng abnormal development habang ipinagbubuntis ang biik na sanhi ng kondisyon nito.

Hermaphrodite ang tawag sa may parehong ari na pang-babae at pang-lalaki.

FROM OUR ARCHIVES
 

Watch more News on iWantTFC