Presidential Adviser Bong Go, tinaguriang 'selfie king' ng int'l media

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2017 06:04 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mula sa pagiging "presidential photobomber," kilala na ngayon si Presidential Adviser Christopher "Bong" Go bilang "selfie king" dahil sa kanyang mga kuhang larawan kasama ang mga lider na dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Vietnam at sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Maynila.

Pinuri rin si Go dahil sa kanyang pagsisilbi bilang mata ng publiko sa mga mahahalagang pulong na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Patok naman sa mga netizens ang espesyal na frame sa Facebook na maaaring gamitin upang magmukhang nakipag-selfie rin kay Go.